Joey’s Thoughts About Missing His Mom
This is a rap composition of my nephew Joey for his mommy Joyce..
Aking mama sana kahit sa munti kong kanta
buong pagmamahal ko sana ay iyong madama
buong talento at ang oras ay ibubuhos ko
para sayo aking ina ito ay alay sa iyo.
Pag aalaga, kalinga magmula nung sanggol
sa pagkalma, pag ugoy sa tuwing humahagulgol
sa pag panatag mo kapag ako’y puno ng takot
at sa iyong yapos sa tuwing ako’y binabangungot.
Maikli man ang panahon na tayo’y nagkasama
at iniwanan mo noong ako’y tatlong taon pa
di kailanman ako sayo nag tanim ng poot
sya nga pala salamat sa mga damit kong suot.
Sa pag alala, kahit pa nga ito’y madalang
kahit na anim na taong kulang aking magulang
Ma, kailanman di nagawa na ika’y kalimutan
heto ang bilin ko sayo sarili’y pag ingatan.
Chorus:
You could give me wings to fly, and catch me if i fall
pull the stars down from the sky, so i could wish on them all
oh i could’nt ask for more, coz your love is the greatest gift of all
Marami man kayong naging alitang dalawa ni papa
at hindi rin nagtagal ang inyong pagsasama
ay pasalamat rin akong lumaki ng maayos
kahit na sa isang buong pamilya ay kinakapos.
At ako’y lumaki man na magkahiwalay
kinailangan kong bumagon sa sarili kong kamay
araw araw ang panaginip ko sa aking pag himlay
tayong dalawa ay magkasama’t hawak ang iyong kamay.
Libo-libong milya man ang agwat sa isa’t isa
di lumipas ang mga araw ng ika’y di naalala
araw-araw naka antabay sa tapat ng telepono
umaasang sana’y marinig man lang ang tinig mo.
Ilang taong wala ka sa aking kaarawan
at may ilang taon na rin na dahil dito ay nasasaktan
nag marcha nung elementarya na ika’y di kasama
hindi pa rin mawawala pag mamahal sa aking ina.
Chorus:
You could give me wings to fly, and catch me if i fall
pull the stars down from the sky, so i could wish on them all
oh i could’nt ask for more, coz your love is the greatest gift of all
Bihira mang magkausap sadyang pipilitin ko
maparating ko lang sayo ang mumunting mensahe ko
sa hindi mahalaga mga bagay na materyal
sapat na sa akin makasama kahit di matagal.
At makapiling, panatag at ako’y kuntento na
mabalitaan na maayos ka at laging masaya
sa mga oras na ika’y napupuno ng pangamba
ay maari mo akong lapitan o aking ina.
Hindi ako humuhiling ng ano man mula sa yo
hiling ko lang kahit na minsan lang ay matawagan mo
upang malamn ko naman kung ayos ang iyong lagay
sa iyong pagbabalik asahan mo ako’y maghihintay.
Kahit gaano katagal para lang makapiling ka
kahit isang sulyap lang sa skin ay ako’y kontento na
walang makakapantay pa sadyang minamahal
inaalay ko sayo ang awit ko aking ina.